NADISKUBRE ang palutang-lutang na bangkay ng isang hindi pa kilalang lalaki sa Tullahan River sa Malabon City, Sabado ng umaga.
Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa 40-45-anyos, 5 feet ang taas at nakasuot ng long sleeve shirt at itim na jogging pants na nadiskubre ni Teogenez Aranez, residente ng Sitio Pilapil Street na nakalutang sa Tullahan River sa Brgy. Catmon dakong alas-6 ng umaga.
Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, walang nakitang sugat sa katawan ang biktima na hinihinalang nalunod ito sa ilog.
Sa panayam kay SSgt. Mabasa, sinabi niya na maaring nalunod ang biktima sa ibang lugar at tinangay lang ng agos ng tubig sa naturang lugar.
Sinabi pa ni SSgt. Mabasa na hihintayin nila ang resulta ng DNA test at autopsy examination na isinagawa sa katawan ng bikitma para sa posibleng pagkakilanlan nito at sanhi ng kanyang ikinamatay.
More Stories
AI HINDI GANAP NA IPAGBABAWAL PARA SA 2025 ELECTIONS CAMPAIGNS – COMELEC
Armscor unveils RIA Defense brand aimed at military and law enforcement market
CONG. TIANGCO: PAGSISIKAP NG GOV’T KONTRA ONLINE CHILD ABUSE, HIGITAN