
NATAGPUAN ang mga labi ng isang binata sa loob ng isang court sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal.
Ayon sa ulat, naglalaro ng basketball ang ilang kabataan nang mapansin nila ang isang nakahigang lalaki sa upuan ng nasabing court na hindi na humihinga at maputla na ang kulay.
Kaya naman agad nila itong ipinagbigay alam sa mga barangay.
Nang tignan, napag-alaman na wala ng buhay ang nasabing binata.
Napag-alaman na madalas magtungo sa basketball court ang binata para magpahinga.
Dinala na sa punenarya ang mga labi ng nasabing binata at nakontak na rin ang mga kaanak nito para kunin ang naturang bangkay.
More Stories
₱200 DAGDAG-SAHOD LUSOT SA KAMARA
₱450K HALAGA NG HIGH-GRADE MARIJUANA NASAMSAM SA MARIKINA
DEPED, NANAWAGAN NG MAS MARAMING VOLUNTEERS SA BRIGADA ESKWELA 2025