NATAGPUAN ang sunog ng bangkay ng isang 35-anyos na overseas Filipino worker sa Kuwait at nakikipag-ugnayan na ngayon ang Pilipinas sa Kuwaiti authorities para makamit ang hustisya.
Nakilala ang sunog na katawan na biktima si Jullebee Ranara. Natagpuan ang bangkay nito sa isang disyerto nito lamang nakaraang Linggo, ayon sa report ng local media.
Agad namang dinakip ng Kuwaiti Police ang anak ng employer ng biktima na siyang suspek sa karumal-dumal na krimen.
Sinabi ni DMW Secretary Susan “Toot” Ople na pagsisikapan nila na makamit sa lalong madaling panahon ang hustisya para kay Jullebee.
Nabatid na nagtungo mismo si Ople sa bahay ng pamilya Ranara para makiramay at nangako na gagawin ang lahat para makamit ang hustisya.
Nangako rin si Ople na magbibigay sila ng tulong sa pamilya ni Ranara.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng DMW ang opisyal na ulat sa insidente mula sa mga awtoridad ng Kuwait.
Nanawagan din si Ople sa Kuwaiti Government na bilisan ang pagresolba sa kaso.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI