
TAYTAY, RIZAL — Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang lumulutang at wala nang buhay sa bahagi ng Pasig River sa Riverside, C6 Road, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal bandang alas-10:00 ng umaga nitong Hunyo 8, 2025.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, posibleng inanod ang katawan ng biktima bunsod ng malakas na ulan at agos ng ilog. Isang saksi na kinilalang si Oscar Cantonjos Lacuesta, 71 anyos, residente rin sa lugar, ang nag-ulat na may bangkay siyang nakita na palutang-lutang sa tubig.
Kaagad nagsagawa ng ocular inspection ang mga awtoridad at kinumpirmang walang palatandaan ng foul play o anumang karahasang pisikal sa bangkay ng biktima.
Sa ngayon, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Taytay PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki at kung may nawawalang tao sa mga kalapit na barangay.
More Stories
MAS MARAMING ULO SA LTO, TUTUMBA SA ‘PEKENG’ DRIVING CERTIFICATES
1 Patay, 2 Sugatan sa Pamamaril sa Teresa, Rizal
Lalaki, Binugbog at Ninakawan ng Ka-inuman sa Cainta; 2 Suspek, Naaresto