November 23, 2024

Bangka tumaob: 3 patay, 3 nakaligtas

Los Banos, Laguna – Patay sa pagkakalunod ang tatlong pasaheroΒ  habang masuwerte naman nakaligtas ang tatlong iba pa matapos na tumaob ang kanilang sinasakyan bangka sa Laguna lake sa Brgy. Talim sa Binangonan, Rizal, dahil sa malakas na hangin at mga naglalakihan na alon noong hapon ng Sabado. May 01, 2021.

Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Renato Baylon, King Richard Gaylon at si John Lourence at ang mga nakaligtas ay sina Joel Maranan (ang may ari ng bangka), Zenny Maranan at si Mark Christian Gaylon mga pawang residente ng Los Banos.

Base sa ulat ng Los Banos Municipal Action Center dakong 4:45 ng hapon isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap na mayroon tumaob na bangka na may lulan ng anim katao sa nasabing isla na agad naman nirespondehan ng nagsanib puwersa ng Los Banos, Bay Laguna Volunteers, Binangonan Rescue Team, Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRMO) na nagsagawa ng retrieval operation sa mga biktima bandang 7:30 ng umaga ng linggo ng makuhang lahat ang mga bangkay ng tatlong namatay na biktima at dinala sa pampang ng Brgy. Baybayin kasama na ang tatlo pang mga nakaligtas na biktima.

Nakalagak ngayon ang mga labi ng mga namatay na biktima sa Susan Vasquez Funeral Parlor Services habang hinihintay ang kanilang mga pamilya. (KOI HIPOLITO)