November 2, 2024

BAN SA ‘CPP-NPA’ WEBSITES, IPINAG-UTOS NG NTC

INIHAYAG ng National Telecommunications Commission (NTC), inutos nito sa internet service providers (ISP) na agad i-block o i-ban ang mga website na konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at mga pinaghihinalang kaakibat nito kasunod ng request ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Sa request ni Esperon, na may petsang Hunyo 6 at inilabas ngayong Miyerkules, ay nais nitong ipagbawal ang pag-access sa website na direktang may koneksyon sa CPP-NPA-NDF. Ito ay ang National Democratic Front of the Philippines site, ang official publication ng NDF; at ang website ni CPP founder Jose Maria Sison, na itinalagang terorista sa ilalim ng Anti-Terrorism Council Resolution No. 17 na inilabas noong 2021.

Kabilang din sa ipinapa-block ni Esperon ang ilang independent media websites gaya ng Bulatlat at progesibong grupo tulad ng Save our Schools Network, UMA Pilipinas, Rural Missionaries of the Philippines at Pamalakaya Pilipinas.

Itinuturing ni Esperon ang mga media organization at groups na kaakibat at sumusuporta sa mga terorista at terrorist groups. Bagama’t wala siyang matibay na katibayan para patotohanan ang kanyang mga paratang.

“They have established pervasive online presence through their website that they continually use to publish propaganda and misinformation campaigns in order to malign the Philippine government, recruit new members, and solicit funds from local and international sources,” ayon sa  sulat ng NSA kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

Narito ang buong listahan ng mga website na kabilang sa ipina-block ni Esperon: NDFP, NDF, Jose Maria Sison, Philippine Revolution Web Central, Bulatlat, Hiyaw, PRWC Newsroom, Revolutionary Council of Trade Unions, Compatriots – Revolutionary Organization of Overseas Filipino and their Families, Save our Schools Network, UMA Pilipinas, Rural Missionaries of the Philippines, Pamalakaya Pilipinas, AMIHAN National Federation of Peasant Women, BAYAN, Arkibong Bayan, International League of People Struggle, Pinoy Weekly, Counter Punch, International Action Center, Monthly Review, People’s March, Taga-Ilog News, Partisa-News, at People Resist News.