December 24, 2024

BAMBOL: DAGDAG PONDO SA PH OLYMPIANS ITODO PARA SA PARIS 2024

OPTIMISTIKO si Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na kayang tapatan o lagpasan ng atletang Pilipino ang tagumpay sa Tokyo sa kanilang pagsabak sa susunod na Paris Olympics 2024 sa France.

Ayon sa POC chief (Representative ng Cavite 8th  District ), bagama’t kailangan ng dambuhalang  pondo para sa preparasyon hanggang aktwal ng kumpetisyon sa Paris  ay kakayanin ang misyon basta’t tulung-tulong lahat ng Pilipinong konsernado.

 Magmula sa pamahalaan through Philippine Sports Commission, pribadong sektor, national sports association at kanilang hanay sa Olympic family ay muling magiging posible ang halos imposible.

 Matatandaang si Cong .Bambol ang siyang nagsulong sa dagag-budget ng ating mga Olympian athletes sa Tokyo at national teams na naghahanda para sa SEAGames at Asiad sa Kongreso pati na ang kaukulang ayuda sa lahat ng mga atleta at coaches na lubhang apektado ng pandemya na aprubado agad ng  upper at lower chamber.

Bilyong halaga ang nagastang pinagsama ng pagkakaisa mula sa timon ni Pangulong Rodrigo Duterte, Senado at Kongreso at ng  PSC ay nagresulta naman ito ng makasaysayang unang ginto na nakamit ng  pambatong atletang Pilipino matapos ang 97 taong paghihintay at dagdag ningning pa ang 2 silver at isang bronze para sa pinaka -mabungang kampanya ng Pilipinas na nagapas sa Tokyo Olympics.

Ayon pa sa lucky charm ng Team Philippines na si Cong. Bambol, tunay na susi ng tagumpay sa anumang larangan tulad ng palakasan ay ang bukluran ng mga kinauukulan at walang bahid- pulitika kundi patriotismo ang nasa puso ng bawat isa.

Kapit-bisig para sa muling target na  mission accomplihed sa Paris Olympics para sa bayan.. ABANGAN!!!

Lowcut:Ikakasa ang isa sa mga noble project ng  M-24 Maharlika Builders of Guardians Canada/ USA/Manila, Philippines na BRIGADA BALIK-ESKUWELA sa Amparo Elementary School sa Caloocan City at ito ay aarangkada after NCR lockdown.

Acknowledgment  kay Sis Josephine Doctor Alfon( dating teacher ng DAES- Manila at sa faculty ng AES Caloocan).Sa mga  members ng kapatiran na susuporta in their own humble way , umugnay kina bros Arvin David, Ariel Manas, Randy Mana-ay Meses, at Paccarangan bros( Roel, Ronald at Onang) as per advise by founder Doc Chito Collantes M24B1024. Birthday greetings kay Bro Raul Garcia ng M-24 Caloocan gayundin kay utol Ermie Simon diyan sa La Paz, Tarlac.