SOBRANG abala ang susunod na taong 2025 sa panimula ng kanyang panibagong mandato bilang pangulo muli ni Philippine Olympic Committee president Cong.Abraham ‘Bambol Tolentino.
Ang reelected na pinuno ng Olympic family ng bansa ay malugod na tinuran ang mga nakakalendaryong international events na lalahukan ng Pilipinas kaya’t matapos ang holiday season ay popokus na ang mga atleta ng bansa na sasabak bitbit ang bandila ng Pilipinas sa international competitions tulad ng Southeast Asian Games , Winter Olympic Games,World Gàmes at iba pa hangganģ sa susunod na Olympics 2028 sa Los Angeles ,California, USA.
“Patuloy ang ating working team para sa tagumpay ng ating atleta at karangalan ng bansa,” sambit ni POC chìef Tolentino sa kanyang mensahe sa ini-host niyang thanksgiving fellowship sa sports media kamàkailan sa Tagaytay City .
Si Tolentino na itinuturing na makarismang personahe sa Philippine sports leadership ay may patunay at resibo na sa kanyang panunungkulan tulad ng makasàysayang first Olyympic gold sa Japan kortesiya ni Pinay weightlifter icon Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics nä sinundan pa ng double gold haul ni Carlos Yulo ng gymnastics, Asian gold medalist polè vaulter EJ Obiena ,gold medal ng Gilas Pilipìnas sa Asiad at overall championship ng Pilipinas sa Southeast Asian Games 2019..
“Mas komprehensibong preparasyon at future ng national team ang ating prayoridad and I will never let you down!” pahayag pa ni ng ama ng Tagaytay City na si Mayor Bambol. (DANNY SIMON)
More Stories
4TH IMPEACHMENT COMPLAINT IKAKASA VS SARA DUTERTE
BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO HIWALAY NA
Lalaki, sugatan sa pakikipagbarilan sa pulis