December 23, 2024

Bambol pinuri ng OCA at AMMA sa leadership… MATINDING BAKBAKAN SA 1ST ASIAN MMA MANILA OPEN RATSADA SA MARRIOTT NEWPORT

SI NMMAPP head at Philippine Olympic Committee President Abraham ‘Bambol’ Tolentino

BAKBAKAN na sa Manila! Umabot sa 88 atleta mula sa mga bansa sa kontinente ng Asia ang pumarada sa unang araw ng mga aksiyon at pambungad seremonya, Lunes ng gabi sa Mariott Grand Ballroom sa Newport World Resort sa Pasay City.

Hitik sa aksiyong lakas, dulas at gilas ang susi ng tagumpay sa tunggalian ang nasaksihan sa preliminary 28 bouts ng mga Asianong MMA amateur fighters kung saan dalawang Pinoy bets ang umiskor ng buwenamanong panalo para umusad sa semis ngayon na sina Wallen del Rosario ng Maximum Jiujitsu at Rene Catalan, Jr. ng Catalan Fighting System habang nabigo naman si AJ Castellano ng traditional MMA para sa susunod na round.

Kalahok sa kaganapang punong abala ang Nasyonal Mixed Martial Arts Pederasyon Pilipinas sa pamumuno ni NMMAPP head (Tagaytay City Mayor) Abraham ‘Bambol’ Tolentino na siya ring Philippine Olympic Committee president katuwang si NMMAPP secretary general Alvin Aguilar na siya ring founding head ng URCC MMA at pangulo ng Wrestling Association of the Philippines at event officials Aaron Catunao at matchmaker expert Ron Catunao, ang mga bansang Cambodia, Chinese Taipeh; Hongkong China, India, Indonesia, Iran, Kazakhstan, Kygizistan, Uzbekhistan, Saudi Arabia, Maldives, Mongolia, Thailand, China at host Philippines.

“Welcome all participants. Give your best and play the  sports safe for glory and prestige for your country and enjoy your stay in our country the Philippines,” pahayag ni POC president Tolentino na tiniyak din ang paglahok ng kanilang larangan para sa 2025 AIMAG (Asian Indoor Martial Arts Games) sa Riyadh, Saudi Arabia at 2026 Asian Games Nagoya sa Japan.

Binigyan-diin din ni Tolentino na ang AMMA Manila Open ay purong amateyurismo at hindi propesyunal sa larangan. Nagpugay naman ng papuri si OCA (Olympic Council of Asia) VP at AMMA President Gordon Tang sa maayos at sistematikong pagiging punong-abala ni Cong. Bambol Tolentino kaagapay ang Newport World Resort at Marriott at ang tagataguyod na Nine Dynasty.