SASAMAHAN ni Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang mga Pinoy Olympians na sumungkit ng medalya noong nakaraang Tokyo Olympics sa Japan kay pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Agosto 23 sa MalacaƱang.
Ang Philippine Olympic Committee ang siyang may timon sa kapakanan at pangngangailangan ng mga pambansang atleta na sumasabak sa mga international competitions tulad ng Southeast Asian Games, Asian Games, World Championships at Olympics.
Si Tolentino na siya ring Representante ng ika-walong Distrito ng Lalawigan ng Cavite ay itinuturing na ‘bwenas na lider ng Olympic family ng bansa dahil nang mauna siyang mahalal na POC president (term succession) ay isa siya sa naging instrumental sa pagiging overall champion ng Pilipinas noong nakaraang hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 at noong manalo siya ng re-election sa POC,ang makasaysayang pagkakasungkit naman ng kauna-unahang gintong medalya ng Olympiyada na naiuwi sa bansa nitong nakaraang Tokyo Olympics bukod pa sa naiuwing silver at bronze.
Magko-courtesy call ani Tolentino sina Tokyo Olympics gold medalist weightlifting heroine Hidilyn Diaz, boxing silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at ang isang pang boxer na si bronze medalist Eumir Marcial.
Si Pangulong Duterte kasama si Senate Sports Committee head Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez at Commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Charles Maxey at Celia Kiram, ay igagawad ang kaukulang insentibo ng mga nabanggit na Olympic medalists base sa R.A. 10699 (Expanded Sports Incentives Act).
Bukod sa naturang insentibo sa mga waging atleta at coaches mula sa gobyerno, may pabuya rin sina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial na house ang lot sa Tagaytay City kortesiya ni POC president Rep.Tolentino. Bukod sa matatanggap na insentibo mula gobyerno, bahay mula POC ay may buhos pa mula pribadong sektor. Ganyan ang magwagi sa Olympics kaya magsisilbing inspirasyon sila sa mga kabataang potensyal na atleta dahil nariyan ang pag-asa, karangyaan at katanyagan .. when it rain it pours! MISMO!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!