SINA Philippine Olympic Committee (POC) chief Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at tatlo pang national Olympic committee (NOC) presidents na pinuno rin ng kanilang cycling federations ay kinilala ng International Cycling Union (UCI) sa idinaos na Congress kamakalawa sa Glasgow, Scotland.
Prominente sa mga naturang NOC heads ay si UCI president David Lappartient,na siya ngayong lider ng France Olympic committee—ang posisyong pinaniniwalaang kasunod ay pagiging International Olympic Committee president.
“It’s a rare and historic event and opportunity,” wika ni Tolentino sa idinaraos na UCI World Championships kung saan ang sports’ governing body ay dagsa sa world championships sa 13 cycling disciplines sa loob ng 11 araw sa Scotland.
“This won’t be happening again soon,” ani Tolentino.
Kinilala rin bukod kina Lappartient at Tolentino sina NOC at cycling head of Indonesia na si Raja Sapta Oktohari, Abderrahmane Ethmane.mg Mauritania
Ang pagkilala ay isa sa agenda ng UCI 192nd Congress na dinaluhan ng 203 miyembro ng international federations sa Glasgow.
Ang UCI ay itinatag 123 taon na ang nakaraan noong April 14, 1900.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW