December 25, 2024

BAMBAN MAYOR GUO,  SIMPLENG MAMAMAYAN PERO MAY-ARI NG 12 SASAKYAN

Bagama’t itinanggi ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na pagmamay-ari niya ang McLaren Luxury car, lumalabas sa records na mayroong isang dosenang sasakyan ang kontrobersiyal na alkalde na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Sa nakalap na dokumento ng Rappler mula sa Land Transportation Office, nakapangalan sa ilalim ng Alice Leal Guo ang 13 sasakyan. Kabilang sa listahan ang McLaren 620R na ini-entry ni Guo sa isang car show sa Concepcion, Tarlac noong Disyembre 11, 2023. Napaulat na nagkakahalaga ng higit sa P16.7 milyon ang limited edition luxury British car nang ilabas ito noong 2019.

Sa kabuuan, nagkakahalaga ng 19 milyon ang 13 sasakyan na nakarehisto sa LTO, base sa tantiya ng source na pamilyar sa car trading industry.

Narito ang listahan ng LTO ng motor vehicle records na nag-uugnay kay Alice Guo, as of May 17, 2024. Isinama rin ng Rapller ang table estimates ng halaga ng mga sasakyan, base sa impormasyon mula sa industry source.

Sa naturang listahan karamihan dito ay pick-up trucs at sports utility vehicles. Ilan sa mga sasakyan na ito ay mahal, tulad ng Toyota Land Cruiser at Jeep Gladiator Sport – na nagkakahalaga ng tig-P4 milyon.

Nakarehistro ang mga nasa listahan na sasakyan sa ilalim ng pangalan ni Guo – hindi ng anuman sa kanyang mga negosyo. Anim sa sasakyang, kabilang ang kanyang Toyota Land Cruiser at Jeep Gladiator Sport, ay nakarehistro sa Barangay Virgen delos Remedios, Bamban, Tarlac. Samantala, ang anim na sasakyan ay nakarehistro sa address sa Marilao, Bulacan, na tinukoy ni Guo sa pagdinig sa Senado na isa sa kanyang tirahan.

Hindi rin brand new ang dalawang sasakyan.  Nabili ni Guo ang Hyundai Tucson Thera II noong Setyembre 18, 2012, habang nabili niya ang Ford Ranger Double H noong 2023. Hindi natukoy ng LTO kung kanino niya nabili ang sasakyan.

Kabilang din sa listahan ng LTO ang Toyota Camry, na nakarehistro sa isang “Jian Guo.” Nagkakahalaga ang nasabing sasakyang ng hindi bababa sa P2 milyon, na tanging sasakyan na hindi naka-link sa address na tinitirhan ni Guo.

Una nang pinangalanan ni Guo na ang kanyang amang Chinese na si “Jian Zhong Guo” na may Filipino name na Angelito. Inaalam pa ng Rappler kung itong “Jian Guo” na nasa records ng LTO ay ang ama ni Mayor Guo.

Sa interview ng ABS-CBN News kamakailan lang, itinanggi ni Mayor na mayroong siyang luxury car. Gayunpaman, inamin niya na hiniram niya ito sa isang kaibigan para i-entry sa car show, bagama’t hindi niya pinangalan kung sino ang taong iyon.

Nag-entry lang po kami ma’am. Hindi ko po siya sasakyan. Hiniram po namin sa kaibigan ko, i-entry para lang sa show, para maging mas masaya lang po ang mga ibang kababayan po namin,” ani Guo. “I don’t own a McLaren.”