POSIBLENG tumakas na si suspended Bamban Mayor Alice Guo sa bansa gamit ang Chinese passport.
“Sa mga infotmation namin sa Bureau of Immigration ay nandito pa sya dahil cheneck namin kung si Guo Hua Ping ay umalis na ng Pilipinas, wala naman silang nakitang ganun na record so far,” ayon kay Sherwin Gatchalian.
“So kung dadaan sya sa ating mga airport, at dadaan sya sa seaport, made-detect sya. Pero alam naman natin na meron pang ibang paraan para makatakas,” dagdag niya.
Una nang kinumpirma ng National Bureau of Investigation na si Guo at ang Chinese passport holder na si Guo Hua Ping ay iisang tao lang.
Sinabi ni Gatcalian noong nakaraang buwan na gumamit si Guo ng Chinese at Philippine passports mula 2008 hanggang 2011.
Pero sa pagkakataong ito, naniniwala ang naturang senador na gumagamit pa rin ang suspendidong alkalde ng Chinese passport.
“Ako kasi naniniwala ako na yung kanyang Chinese passport, nandyan pa e,” ani Gatchalian. “Naniniwala ako na meron syang Filipino passport , na meron syang Chinese passport. Baka lang ginamit nya yung kanyang Chinese passport para makaalis,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA