December 24, 2024

Balikan nila ni Piolo ‘di raw totoo… KC CONCEPCION, WALA RAW JOWA NGAYON

ZERO raw ang lovelife ngayon ni KC Concepcion, pero totoo kayang may balikang nagaganap sa pagitan nila ni Piolo Pascual? Dahil sinundan daw ng actress si Papa P. sa Batangas. At doon daw naganap ang muli nilang pagkikita kaya, ang buong akala ng marami ay may balikang magaganap.

“Nagbakasyon lang si KC Conception sa farm sa Batangas, at hindi totoong nakipagkita siya kay Piolo Pascual. Part kasi ng bakasyon niya sa farm ang pagde-detox niya, at ang laki naman ng naitulong niyon sa kanyang aura dahil bukod sa gumanda na siya at nagmukha pa siyang bata. Kaya kung may free time siya ay, gusto niyang manirahan na sa probinsiya.

“Dahil sa Batangas na rin naka-base si Piolo, ang dami tuloy na hakahakang nagkabalikan na nga sila. At iyon din naman ang dasal at hangad ng kanilang mga fans, pero mukhang milagrong mangyari dahil hindi naman sila nagkita sa Batangas. Mukhang malabo talaga, dahil ang priority ni KC ay ang kanyang beauty health condition. Sabi pa niya, zero at wala talaga siyang dyowa sa ngayon,” nakangiting pahayag ng aking ka-chika.