November 19, 2024

BALIK-LOOB PROGRAM, HATID AY BAGONG PAG-ASA

MATATANDAAN na noong ika-3 ng Abril taong 2018 ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Administrative Order Nr. 10 na siyang naglunsad sa “Enhanced Comprehensive Local Integration Program” o “E-CLIP” na siya namang ipinatutupad ng Task-Force: Balik-Loob.

Layon nitong matulungan ang mga dating kasapi ng New  People’s Army at mga Militia ng bayan na nagnanais na magbalik-loob sa pamahalaan at magkaroon ng matibay at kongkretong daan tungo sa kapayapaan at tunay na pagbabago.

Hanggang sa panahong kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paggulong ng programang ito upang matugunan at magbigay alalay sa marami pa nating kababayan na unti unti ay nagkakaroon ng kalinawan sa kanilang pag-iisip tungkol sa tunay na kahulugan ng pagiging Makabayan. 

Ang programang E-CLIP ay mainam na isinasagawa sa pamamagitan ng pangkalahatang pagtugon ng pamahalaan para sa mga former rebels.

Naniniwala ang pamahalaang pambansa na ang tao ay natural na nagkakamali at karapat dapat na mabigyan ng pangalawang pagkakataon para ayusin ang kanilang pamumuhay lalunglalo na ang mga kababayan natin nalinlang at nalason ng bulok na mga ideyolohiyang mula sa mga makakaliwang teroristang grupo.

Sa pamamagitan nito ay nabuo ang “Task Force: Balik Loob” na kinapapalooban ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang matugunan ang lahat ng mga kakailanganin ng isang former rebel sa mapa anumang aspeto. Maging ito ay sa aspetong pangkalusugan, edukasyon, pabahay, pangkabuhayan at marami pang iba. 

Umaabot na sa libo-libong mga kababayan natin ang nagbabalik loob sa pamahalaan at nagtatamasa ng kumpleto at sapat na suporta ng gobyerno para sa panibagong buhay.

Matibay ang adhikain ng gobyerno ng Pilipinas para sa isang maunlad at tunay na mapayapang bansa. Sa huli, ang pamahalan pa rin natin ang siyang tutulong sa mga rebeldeng grupo na noon ay kumakalaban sa kanila.

Tila ba ito na ang isa sa pinakamagandang parangap na nagkatotoo para sa ating bayan. Unti-unti nang bumabagsak ang lokal na teroristang CPP-NPA-NDF samantalang nananatiling matatag ang pamahalaan ng Pilipinas at unti-unti ay matatamasa na atin ang ating inaasam na kaunlaran. Hindi lang para sa atin, kundi para sa lahat ng ating mga kababayan, lalu’t higit para sa ating Inang Bayan. (HUKBONG HIMPAPAWID NG PILIPINAS)