‘Binaklas na bilang assistant coach at consultant ng TNT KaTropa si Tab Baldwin’, ito ang kinumpirma ni manager Gabby Cui. Gayunman, pinasinungalingan ni Cui na ang ginawang hakbang ng KaTropa ay may kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Baldwin sa local basketball podcast; kung saan iginiit niya na ang plano tungkol dito ay bago pa nasuspende ang 2020 PBA season dahil sa coronavirus pandemic.
“Coach Tab will be focusing on his coaching chores in Ateneo and his role in SBP,” ani Cui sa isang mensahe ESPN5.com
“We decided on this transition way before the lockdown. The team is adapting well to the system of Coach Bong Ravena and Team Consultant Mark Dickel. We would like to thank Coach Tab and wish him well.”
Ang isinagawang development ng TNT ay isinagawa ilang araw pagkatapos na patawan si Baldwin ng multang P75,000 at three-game suspension ng PBA; dahil sa komento nito na nakasisira sa imahe ng liga. Ang kontrobersiyal na pahayag ni Baldwin sa Coaches Unfiltered podcast ay nagdulot ng sama ng loob sa PBA at sa Basketball Coaches Assoc. of the Philippines.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2