November 5, 2024

BALASAHAN SA PNP, MULING IPINAG-UTOS NI ELEAZAR

Tatlong araw ang nakalilipas magmula nang maupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), muling ni-reshuffle ni Gen. Guillermo Eleazar ang mga police officials.



Sa inilabas na kautusan na epektibo mula sa Lunes, itinalaga ni Eleazar si Maj. Gen. Bernabe Balba bilang bagong hepe ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Visayas mula sa Special Action Force (SAF).

Papalitan ni Balba si Lt. Gen. Dionardo Carlos na unang na-assign bilang deputy chief for operations ng PNP.

Inilipat naman si Brig. Gen. Nelson Bondoc mula sa National Capital Region Police (NCRPO) upang pamunuan ang Police Regional Office (PRO) ng Mimaropa (Oriental and Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).

Mula sa Southern Police District (SPD) sa ilalim ng NCRPO, itinalaga si Brig. Gen. Elieseo Cruz sa Batangas bilang bagong director ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon). Papalitan niya si Brig. Gen. Felipe Natividad na pinangalanan bilang bagong SAF director.

Ililipat naman si Col Randy Peralta mula sa Office of Chief PNP upang kunin ang leadership ng DIPO Western Mindanao, papalitan niya si Brig. Gen. Jose Hidalgo na nakakuha ng bagong posisyon sa NCRPO.

Noong Biyernes, binalasa ni Eleazar ang top-post sa Command Group, itinalaga si Lt. Gen. Joselito Vera Cruz bilang bagong deputy chief for administration,  pangalawa sa pinakamataas na puwesto ng PNP.

Pinalitan si Vera Cruz ni Lt. Gen. Ephraim Dickson, hepe ng directorial staff, bilang baong deputy chief of operation, ang ikatlong pinakamataas na posisyon sa puwersa ng kapulisan.

Papalit naman sa puwesto ni Dickson si Carlos na dating PNP spokesperson.

Ipinag-utos din ni Eleazar ang paglipat kay Maj. Gen. Rolando Hinanay mula sa Civil Security Group (CSG) papunta sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM). (KOI HIPOLITO)