TAHASANG sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na puslit o smuggled na maituturing ang mga vaccine o bakuna laban sa corona virus disease o covid 19 na itinurok sa mga kagawad ng Presidential Security Group ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Lorenzana ang nanguna sa pagtataas ng Watawat ng Bansa sa paggunita sa ika-124 na kamatayan o pagpaslang sa Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal sa Quirino Grandstand kanina kung saan ay nakasama niya si Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso
Pinaliwanag ni Lorenzana na smuggled ang mga naturang bakuna dahil hindi otorisadong makapasok sa bansa.
Sinabi rin ni Lorenzana na ang pamahalaan lamang ang maaaring magbigay ng pahintulot sa pagpasok at paggamit ng mga COVID-19 vaccine, sa pamamagitan ng Food and Drug Administration o FDA.
Binanggit pa ng Defense Chief na ngayon pa lamang lumabas ang mga fact o impormasyon hinggil sa pagturok ng mga bakuna sa PSG na hindi authorized at hindi pa rin aniya alam kung sino ang nagbigay ng otorisasyon, o kung papaano mareresolba.
Maaaring ang FDA ang magpaliwanag dahil nalabag ang protocol ng ahensya ukol sa pagpasok at paggamit ng mga bakuna.
Naniniwala rin si Lorenzana na hindi peke ang naturang bakuna na tinurok sa mga miyembro ng security team ng Presidente, at naging maayos naman ang epekto sa mga PSG member para maprotektahan ang pangulo.
Ngunit nanindigan ang defense chief na kailangang magpalinawag na mabuti ang pamunuan ng PSG lalo na si Commander Jesus Durante kung bakit ginawa ang pagbabakuna.
Binigyang-diin ng kalihim na kailangang sundin na ang tamang proseso.
Aminado si Lorenzana na hindi saklaw ng AFP ang PSG na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Pangulo ng bansa.
More Stories
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas