
Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi ang mga taong ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 gayung mailap ang mga bakuna sa maraming Filipino.
Sa kanyang late night address, nagbabala si Duterte sa mga Filipino na kanyang ipapaaresto ang sinumang tatanggi sa bakuna.
“Kung ayaw mo magpabakuna, ipaaresto kita at ang bakuna, itusok ko sa puwet mo. Put*ng ina, bw*sit kayo,” saad niya.
“Magpabakuna kayo or ipakulong ko kayo sa selda,” dagdag niya.
Hinikayat ni Pangulong Duterte ang lahat na magpabakuna dahil kung hindi ay ipag-uutos niya sa mga local officials na hakutin ang mga taong “potential carrier” ng virus.
Ipalilista ni Pangulong Duterte sa mga barangay captains kung sino-sino sa mga residente ang ayaw magpabakuna.
Huwag na aniya nilang hintayin na pwersahin siya na magpatupad ng mahigpit na patakaran.
Payo pa ng Pangulo, kung ayaw magpabakuna ay umalis na lang sa Pilipinas.
More Stories
Erwin Tulfo sa mga nag-aala lawyer sa social media: DUTERTE INOSENTE HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYANG GUILTY
MARAMI PANG SISIBAKIN SA BI DAHIL SA PAGTAKAS NG PUGANTENG KOREANO
BASTE KAY MARCOS: PINAKULONG MO NAGPALIBING SA TATAY MO, P***** I** KA!