‘Mamili kayo, magpabakuna kayo o ipakukulong ko kayo sa selda?” Yan ang sinabi ng Palasyo sa tila pagbabanta sa mga tao. Yan ay kung di sila magpapaturok ng COVID-19 vaccine.
Teka, dapat bang seryosohin ang hyperbole na pahayag na ito ng Pangulong Duterte? Na parang wala sa wisyo o parang nagbibiro lang.
Kaya naman, inupakan ito ni Sen. Riza Hontiveros. Aniya, dapat na pawiin ang pangamba ng taumbayan. Sa gayun ay kusa silang magpabakuna laban sa virus. Hindi dapat pinagbabantaan.
Isa pa, marami ang gustong magpabakuna talaga. Pero, kinakapos naman sa gamot. Hindi rin dapat tinatakot ang madla. Yan ay kung may tuloy-tuloy na suplay ng safe vaccine.
‘E kung lahat ang ayaw magpabakuna ‘e ikukulong, anong mangyayari? E di hawa-hawa rin. Siksikan.
Hindi pa ba natin kabisado ang Pangulo na mahilig sa hyperbole jokes. Na kaya lang naman niya sinabi iyon para ang mga ayaw magpabakuna ‘e mag-iba ang isip.
Na mula sa ayaw ay gusto na nila. At mula rito, maisasalang-alang na ang kaligtasan nila at ng kanilang mahala sa buhay. Gayundin ng pamayanan.
“Bakuna o kulong,” turan ng Pangulo na which is hypothetical lang naman kung tutuusin. Seryoso ba talaga siya? Nahimay ba ng iba ang context o pagkakabigkas niya sa katagang iyon?
Na ang talagang layun ay halaga ng immunization para magwakas na ang pandemya. Kaya easy lang kayo, mga folks. Walang ipakukulong kung ayaw.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo