MALAKING tulong ang mabisa at agresibong vaccination program para bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Tacurong City sa loob ng dalawang linggo.
Ito ang ibinahagi ni Mayor Lino Montilla sa isang panayam sa Network Briefing News noong Oktubre 8 kung saan ang host ay si Presidential Communications Sec. Martin M. Andanar.
“Ang COVID-19 cases po natin ay going down. As of October 1, ay nasa 93 po ang active cases po, but as of yesterday, October 17, bumaba na po sa 31 ang active cases po natin,” wika ni Mayor Montilla.
Binigyang diin niya na aktibo ang national government sa paglalaan ng COVID-19 vaccines para sa mga residente ng Tacurong City.
“Dahil na rin po ito siguro na dumarami na po iyong mga vaccine na dumadating po dito sa atin sa Lungsod ng Tacurong at in-intensify natin iyong [information dissemination] campaign po natin.” aniya.
Nagbuo ang City Health Office ng dalawang vaccination teams na nakadestino sa central vaccination hub sa Poblacion habang ang ibang grupo ay itinalaga naman para bakunahan ang mga senior citizen sa malalayong lugar.
“In-intensify natin iyong vaccination drive natin para na rin bumaba ang COVID-19 cases natin. Mayroon din tayong mobile vaccination program para mailapit natin ito sa ating mga tao,” dagdag ni Mayor Montilla.
Construction ng Isolation Facilities
Nagtayo rin ang Department of Health ng isang quarantine at isolation facility sa Tacurong City habang ang pagpapatayo ng isa pang isolation facility na pinondohan ng Office of Civil Defense ay kasalukuyang nagpapatuloy, ayon kay Mayor Montilla. Kapwa naglagak ang dalawa ng P10 milyon pondo para sa nasabing quarantine facilities.
Nagtayo rin ang ang city government ng dalawang isolation facilities at planong itaguyod ang People’s Dialysis and Diagnostic Center.
Ibinahagi pa ni Mayor Montilla na kumuha sila ng dalawang sub-zero freezers na nagkakahalaga ng P1.183 milyon para sa Pfizer at Moderna vaccines noong Agosto 17,2021.
Inilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang siyudad sa ilalim ng Modified General Community Quarantine mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna