BAGONG taon 2021, bagong kabalabalan ng dilawan, pulahan at iba pang kalaban ng bayan.
Wala na talagang pagbabago ang kanilang katsipan upang siraan ang pamahalaan.
Sanib- puwersa na sila kasapakat ang mainstream media upang makapuntos nang kahit ano na lang upang ibuyo ang bayan na mag-aklas sa galit at manawagang ibagsak ang anila ay ‘rehimen’ na apat na taon na nilang minamaso para magiba ang moog sa Palasyo.
Lahat sila nakatanghod upang makasilip ng butas na magkamali ang Pangulo at ipangalandakang palpak ang pamumuno nito.
Pero nagmumukha silang mga tungaw na bangaw at nagiging ampaw ang kanilang mga utak para lang magbida na sila ang dapat nasa trono at nagpapatakbo muli ng bansa na nilumpo nila noong sila ang nakapuwesto.
Sa dami nang isyung kanilang ipinukol kay Presidente,klasik na kabopolan ang kanilang chorus na pagkondena sa ginawang kusang-loob na pagbakuna ng Presidential Security Group(PSG) na naglalayong protektahan ang pinuno ng bansa upang magampanan nito ang kanyang tungkulin nang ligtas sa anumang panganib sa kanyang buhay sa aspeto ng kalusugan.
Labag daw sa batas ayon sa mga mambubutas na mambabatas ang ginawang naunang pagbakuna ng mga PSG na magiting na isinubo ang sarili para sa kabutihan ng bayan.
Noon ay tahol sila nang tahol sa panganib na idudulot ng bakuna lalo daw iyong galing sa China at di sila magpapatiuna para maging ‘guinea pig’ nang di pa subok na pangontra sa pesteng covid.
Ngayong mayroon nang mga magiting na sumampol sa bakuna ay ngumingiyaw naman sila dahil bawal daw ang kanilang ginawang boluntaryo na wala namang masama dito kung susuriing mabuti ang batas para sa kaalaman ng publiko na hindi magogoyo ng mga demonyo sa lipunan.
‘Di na natuto ang mga hilong talilong na mga kritiko.
Laglag na naman sila sa bitag upang pumalag na may bagong isyu na naman sila upang si PDigong ay ilaglag.
Ang siste, sa kanilang atungal ay lalo lang minamahal ng masa ang kanilang tinitira habang lalo lang silang kinokondena ng bayan sa kanilang panggugulo sa Pangulo para lang makaiskor ng pogi points pero lalong pumapangit ang kanilang imahen bilang desperadong oposisyon.
Sa kasalukuyan kasing ihip ng hangin at pulso ng bayan ay lalo lang tumataas ang pededtal ng kanilang kinamumuhiang lider na minamahal ng mamamamayan. ‘Di na nila mahintay ang halalan sa 2022 dahil sa kangkungan ang kanilang destinasyon.
Desperasyon nila na magkamali nang mortal ang Pangulo para maibagsak ito sa pamamagitan ng people power na naman sa tulong ng simbahan at biased mainstream media na ‘di na mangyayari kailanman.
Noon kasi dinaan sa dasal ng mga kupal na matigok ang presidente dahil pakiramdam nila ay mahina na ito para pumalit ang manok nilang pekengbise pero sa kanilang dismaya ay lalo pang lumalakas ang presidente at baka nga mauna pa sila dahil sa karma.
‘Di nila maiisahan ang Pangulo sa mga ganitong isyu. Pinadama lang sila at kumagat naman sa pain ang mga ‘pain in the ass’ na nagngangawa dahil sa bakuna.
Ang ginawa ng mga PSG ay ‘di labag sa batas dahil boluntaryo kahit itanong n’yo kay Senator Ping na nauna nang nagpabakuna.. BA -KU-NA-MA-TA-TA mga oposisyon ng kartun network. BUTATA!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino