Si Robin Padilla, bakit si Badboy, Manila Boy ang no. 1 sa Magic 12? Yan kasi ang resulta ng boto sa nakaraang eleksyon. Marami ang nagulat kung bakit number 1 siya sa senatorial aspirant na nakuha ng maraming boto.
May ilang nagtaas ng kilay. Anila, nabudol daw ang taumbayan. Bakit binoto si Bad Boy? Ano raw ang gagawin nito sa senado. Magbubutas ng upuan? Teka, masyado naman yata silang mapanghusga.
Pamantayan kasi nila na dapat may mataas na pinag-aralan ang uupo. Disente, matalino at magaling magsalita ng Ingles. Ang pamantayang iyan ay barometro ng sarado ang pag-iisip. Na akala mo kung sinong mga magagaling at marurunong.
Nagbabasa ba sila ng Biblia? Alam kaya nila na ang mga piniling lider noon ng Diyos sa Israel ay mga hamak lamang sa tingin ng tao? Gaya ng hukom na sina Gideon at Samson. Sila ay mula sa payak na angkan sa 12 tribu ng Israel. Gayundin si Barak, Aod at Jepte.
Si Saul naman at si David ay pawang pastol lang ng tupa. Pero, ginawang hari sa Israel.
Kaya, binoto ng mayorya si Binoe. Hindi dahil sa napakatalino niya. Kundi, tiningnan nila ang maidhi nitong pagmamahal sa tao. Ang pagmamahal sa bayan. Sinsero ang kanyang adhikain at mararamdaman mo ito sa kanyang salita.
Kapag nakausap mo si Bad Boy, malalaman mong may sabaw ang utak nito.
Ito marahil ang nag-udyok sa actor na maglingkod sa bayan. Ngayong prinoklama na siya bilang senador, malalaman natin ang kalibre niya. Na kung ano siya sa kanyang mga naging pelikula, gayun din siya sa tunay na buhay. Bakit si Binoe? Malalaman mo ang kasagutan kapag nagsimula na siyang manungkulan. Adios Amorsekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino