Matanong ko lang mga Cabalen, ano nga ba ang batayan ng COMELEC; para payagang pumasok sa eleksiyon ang mga partylist na nagsulputan? Na kahit anong isipin ay walang sektor na hinahawakan. Nagsulputang parang kabute ang mga ito na pinag-iisipang ang nasa likod ng mga ito ay pawang mga kilala at mga trapo.
Ano nga bang sektor ang kinakatawan ng mga ito? Nakapasok sa balota ang Agimat, ano ba ang sektor nito? Kumusta naman ang AP (Ako’yPilipino) na pinamumunuan ngayon ni Rep. Ronnie Ong na tumiwalag sa dati niyang partylist na Ang Probinsiyano. Si Ong ay sinampahan ng kaso sa Comelec dahil sa paglabag sa Republic Act 7941 o Party-list System Act.
Isa lamang ito sa mga partylist na pinayagang tumakbo. Subalit, wala namang naging pakinabang ang mamamayan. Bilang isang ordinaryong mamamayan sa aking paningin mga Cabalen ginawa nang negosyo ang pulitika sa bansa.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA