October 27, 2024

BAKIT KINAKAGAT NG MGA ATLETA ANG NAPANALUNANG MEDALYA SA OLYMPICS?

Kapag ang isang atleta ay nakasungkit ng gintong medalya sa olympics, sa sobrang galak nila ay di maiiwasang ngatngatin o kagatin ang medalya.

Sa nagdaang mga olimpiyada, kapansin-pansin na gayun nga ang ginagawa ng mga atleta. Lalo na kapag tinanggap na ang napanalunang medalya, maging ginto man ito, pilak o tanso.

Ito ang tiyempo o senaryong inaabangan ng mga photographers kapag nasa awarding ceremony na ng pagbibigay ng medalya sa mga nagsipagwagi.

Walang siyentipikong paliwanag sa ganitong gawi ng mga atleta. Pero, ang iba ay nagsasabing nagiging mannerism na ito— sa pag-aakalang isa itong tsokolateng barya na gold coated. O dili kaya’y sinadya na ng mga atleta na kagatin ang medalya habang nakaharap sa camera habang kinukunan ng litrato.

Obsesyon din ng mga photographers na kunan ang nasabing anggulo. Kadalasan, ginagawa ng mga  atletang nagsipagwagi sa swimming event ang pagkagat sa  medalyang napagwagian kagaya ni Michael Phelps.