November 24, 2024

BAKIT KAILANGAN NG ‘HEARTBREAK LEAVE’ NG MGA BROKEN HEARTED?

Bakit kailangang ng mga broken-hearted na mag-leave sa trabaho?

Nagbigay ng ilang dahilan si Psychologist Dr. Sylvia Estrada-Claudio nang tanungin kaugnay sa isinusulong na House Bill No. 9931 ni Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, na nagsusulong bigyan ng isang araw na leave kada taon ang heartbroken employees para makarekober sa hapding dala ng hiwalayan.

“There are really serious effects. When we say heartbreak, is when a significant other breaks up with you, leaves you, or in some cases, when the person dies,”  ayon kay Claudio.

“It doesn’t happen often but people can die of a broken heart,” saad niya.

Aniya, ang stress cardiomyopathy o broken heart syndrome kung saan ang muscle ng puso ng tao ay humihina dahil sa biglaang matinding stress.

Sa trabaho, nagreresulta ang heartache ng absenteeism o hindi gaanong pagiging produktibo.

“When you’re depressed talaga, you find you have no energy at all, even to get out of bed. You cannot focus on your work. You don’t want to go to work. It’s very stressful for you,” Claudio paliwanag niya.

Naniniwala siya na kailangan ng hearthbreak leave para sa kapakanan ng empleyado.

“We really encourage people to take their leaves. And sa amin, more leaves for people to take, the better for their health kasi masyadong stressful talaga ang mundo ngayon eh,” wika niya Claudio.

Batay sa mungkahi ni Suan, ang mga empleyadong na nasa edad 25 hanggang 35 anyos ay bibigyan ng dalawang araw na unpaid heartbreak leave kada taon, habang tatlong araw na breakup leave naman ang isinusulong sa mga edad 36 pataas.

Paliwanag ng kongresista, mas mabilis makarekober ang mga mas nakababata kaya mas maikli ang unpaid leave na nasa kanyang panukala.

Para kay Suan, higit na angkop bigyan ng panahon maghilom ang puso nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang trabaho o humantong sa pagkitil ng sariling buhay.