Inaasahang muling uupak sa lona si heavyweight sensation Anthony Joshua kontra Kubrat Pulev sa December. Ayon sa promoter na si Eddie Hearn, unang naka-iskedyul ang laban nito noong June 20 sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.
Ngunit, kinansela dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya, inilipat ang laban sa first week ng December.
Aniya, ang laban ng dalawa ay posibleng idaos sa close door. Pero, umaasa si Hearn na papayagan ang mga spectators na manood.
Kung magiging maayos ang sitwasyon, mainam aniyang isagawa ang laban sa O2 Arena sa London.
“We know AJ’s only going to fight once this year, so we want to give ourselves the best opportunity to bring in a crowd, and that would obviously be the later the better,” ani Hearn sa ESPN.
“But it’s still not a gimme at all. There’s still a very strong chance that AJ will have to fight behind closed doors.”
“So they would need to open up. We’d need to get an understanding from the government what is allowed in arenas. Are you going to open at 50 percent [capacity]? Are you going to open up 100 percent? There’s a lot of work that has to go into that with the government and the O2,” aniya.
Si Joshua ay may boxing record na 23-1, 21 Kos at kagagaling sa unanimous decision win kay Andy Ruiz Jr. noong Dec.7, 2019. Si Pulev naman ay may 28-1, 14 Kos record.
Dagdag pa ni Hern, krusyal ang nasabing laban kay Joshua dahil naka-focus sa potential superfight. Nais nitong makaharap ang kababayang si Tyson Fury.
“He must box this year, and obviously it’s up to me to find a solution and a crowd,” ani Hearn.
“But he also knows at the same time, he must fight because it will be a year in December since the Ruiz fight.”
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!