MAY takot din pala itong si Alessandra de Rossi na ma-type cast bilang isang kontrabida, kaya hindi na muna siya tatanggap ng mga kontrabida roles.
“Hindi naman sa mapili ako at hindi naman sa ayaw ko ng role na kontrabida, ang sa akin lang hindi pa talaga right time na mapanood nila ako na lagi na lamang kontrabida.
“Ayoko lang talagang ma-type cast ako sa mga kontrabida roles, hindi naman ako nawawalan ng mga projects na ako ang bida.
“Gaya na lamang sa movie entry namin sa Metro Manila Film Festival na, ‘Firefly’ produce ng GMA Public Affairs, maganda iyong role ko at bida ako. Laki nga ng pasasalamat ko sa tiwalang ibinigay sa akin ng GMA Public Affairs dahil hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin nila ang aking showbiz career,” pagtatapos na kwento ni Alessandra de Rossi.
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK