NAIS ni DILG Undersecretary Martin Diño na hulihin ng mga pulis at mga tauhan ng barangay ang mga namamalimos at dalhin sa Department of Social Welfare and Development na siya namang mangangalaga sa kanila.
Paliwanag ni Diño na posibleng ang mga palaboy ang dahilan ng pagkalat ng virus dahil lantad ang mga ito sa mga lansangan.
“Batas ay batas. Dapat iyan hinuhuli ng mga pulis, dapat dinadala sa DSWD kasi baka hindi mo alam, baka ito na ’yung nagkakalat ng pandemya dahil unang-una, exposed ito,” ani ni Diño.
Ayon pa sa opisyal na hindi dapat ikatwiran na sila’y mahirap kaya naroon sila sa kalsada.
“Wala dapat sila sa lansangan, pandemya tayo ngayon. Walang pinipili ang pandemya. Hindi porke mahirap ka, ikaw ay may lisensiya na kumatok at um-ano sa lahat ng mga ano,” dagdag pa niya.
Kung matatandaan, maraming nawalan hanapbuhay magmula nang ipatupad ang lockdown sa bansa dahilan para mapilitang mamalimos ang ilan nating kababayan tulad ng jeepney driver, locally stranded individual at iba pang nawalan ng trabaho.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY