MAGTATAYO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Bahay Kalinga, isang temporary shelter na nakatuon sa pagbibigay ng ligtas na kanlungan para sa mga inabandona, napabayaan at inabusong mga bata sa Navotas.
Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang isinagawang groundbreaking ceremony ng gagawing Bahay Kalinga, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez, mga konsihal ng lungsod, department heads, at Navotas City youth officials.
“Every child deserves to grow up in a safe, loving environment. Bahay Kalinga is a symbol of our commitment to ensuring that even the most vulnerable among us are given the opportunity to thrive and reach their full potential,” pahayag ni Mayor Tiangco.
“Our goal is to nurture these children, helping them restore their self-worth and confidence as they reintegrate into society. We will also make sure to provide opportunities for them to finish their education and help them achieve their dreams,” dagdag niya.
Ang tatlong palapag na Bahay Kalinga na itatayo sa Brgy. NBBS Kaunlaran ay mag-aalok ng pansamantalang pabahay, basic needs, at access to medical care, psychological support, at educational programs.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?