December 25, 2024

BAHAGI NG PASIG AT TULLAHAN RIVERS MAS MALAWAK AT MALALIM NA NGAYON – SMC

Inanunsiyo ng San Miguel Corp. (SMC) nitong Martes na lumakas ang inisyatiba nitong linisin at i-rehabilitate ang mga ilog ng Tullahan at Pasig at tumulong na mabawasan ang pagbaha sa buong Metro Manila.

Sinabi ni San Miguel President at CEO Ramon S. Ang na pagkatapos ng 22 buwan ng paglilinis ng mga pangunahing bahagi ng Tullahan-Tinajeros River system, at siyam na buwan ng mga aktibidad sa mga pangunahing seksyon ng Pasig River, ang pinakabagong hydrographic survey ng kumpanya ay nagpapakita ng makabuluhang mga pagpapabuti sa parehong lalim ng mga ilog at carrying capacity.

Ayon pa kay Ang na ang lalim ng Tullahan River sa mga lugar sa kahabaan ng 10-kilometer stretch na pinaghirapan ng mga cleanup team ng kumpanya, ay nasa pagitan na ng tatlo hanggang limang metro, kumpara sa isa hanggang dalawang metro dati.

Ito ay dahil sa pag-alis ng silt at solid waste mula sa kailaliman ng ilog, na humahadlang sa daloy at kapasidad ng tubig, na nag-aambag sa pagtaas ng pagbaha.

Para sa Pasig River, sinabi ni Ang na ang mga natapos na seksyon ay may lalim na ngayong lima hanggang anim na metro mula sa naunang dalawa hanggang tatlong metro.

“Essentially, what we’ve accomplished is to remove the silt and wastes that have made these rivers shallow and increase their ability to receive water from upstream channels, particularly during heavy rain or typhoon season, which is when severe flooding in many areas in Metro Manila occur.”

Sinabi ni Ang na para sa Pasig River rehabilitation initiative ng kumpanya, bukod sa patuloy na operasyon sa Maynila sa paligid ng Pandacan at Paco, ang mga aktibidad ay nakatutok din ngayon sa mababaw na Marikina River junction sa Pasig City, ang lugar kung saan nagdudugtong ang Marikina at Pasig Rivers. Ang tubig ng ilog ng Pasig na dumadaloy sa lugar na ito ay nagmumula sa Lawa ng Laguna, sa pamamagitan ng Napindan floodgate.

The Marikina River junction area is particularly critical as it acts like a bottleneck, restricting the flow of water flowing from the Marikina river. This causes the massive flooding we always see in upstream areas,” aniya.

“Once we deepen these areas, water will flow more freely and there will be less cases of overflow in areas that typically experience them.”

Sa ngayon, nasa 1,221,206 metric tons (MT) ang pinagsama-samang kabuuan ng silt at solid waste na naalis sa Tullahan at Pasig Rivers. Mula sa kabuuang ito, 876,296 metric tons ang nagmumula sa Tullahan River.