January 23, 2025

Bagyong Rolly, lumakas pa!

Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number 1 dahil sa bagyong Rolly.

Ayon sa Pagasa, nakita ang huling sentro ng bagyo sa layong 895 km silangan ng Casiguran, Aurora.

Lalo pang lumakas ang bagyo at maging ang Pagasa ay itinuturing na itong supertyphoon.

Taglay na kasi ang lakas ng hangin na umaabot na sa 215 kilometers per hour at merong pagbugso ng hangin hanggang 265 kph. Nakataas na ang signal number 1 sa mas maraming lugar na kinabibilangan ng, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate including Ticao at Burias Islands, Quezon kabilang ang Polillo Islands, Rizal, Laguna, Marinduque,at Romblon Northern Samar, the northern portion of Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, Matuguinao), the northern portion of Eastern Samar (Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo), and the northern portion of Biliran (Kawayan, Maripipi).