December 23, 2024

BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)

INABISUHAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na mahanda para sa paparating na Bagyong Marce, na panibagong banta sa Luzon.

Nadagdagan pa ang taglay na lakas ng bagyong Marce na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Matatandaang pumasok ito sa karagatang sakop ng bansa bilang tropical depression at ngayon ay agad na itong umakyat sa pagiging tropical storm.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 935 km sa silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 80 km/h.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.

Inaasahang lalakas pa ito bago makalapit sa landmass.

Kung hindi magbabago ang takbo nito ay posibleng mag-landfall sa extreme Northern Luzon, partikular sa Batanes at Bicol.