
LALO pang lumakas ang bagyong Julian na nananatili sa silangang bahagi ng Northern Luzon.
Ayon sa ulat ng Pagasa, may taglay nang lakas ang bagyo na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Dahil dito, itinaas na ang naturang sama ng panahon sa tropical storm category.
Huli itong namataan sa layong 880 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. Kumikilos ang storm Julian nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
More Stories
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela
Lalaki, kalaboso sa bakal sa Caloocan