December 24, 2024

BAGYONG CARINA SUPER TYPHOON NA

Itinuturing na ang tropical Carina na may international name na Gaemi, bilang super typhoon.

Ayon sa PAGASA, unti-unti na itong nakalalapit sa hilagang bahagi ng Taiwan kung saan ito inaasahang mag-landfall.”

Mula sa 5pm bulletin, huling namataan ang sentro ng bgayo sa layong 380 kilometro hilaga ng Itbayat Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 185 km/h, at bugsong aabot naman sa 230 km/h.

Kasalukuyan pa ring nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Batanes; habang signal no.1 pa rin sa Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan, at northern portion ng Ilocos Norte.

Sa pagtataya ng weather bureau, palalakasin pa rin ng Bagyong Carina ang Southwest Monsoon na siyang magdadala ng intense rainfall sa kanlurang bahagi ng Luzon hanggang sa Biyernes.

Inaasahan din ng ahensya na tuluyan nang lalabas ng PAR ang bagyo bukas ng umaga, at magla-landfall ito sa Taiwan ngayong gabi.