September 22, 2024

BAGSIK NG BAGYONG VICKY (Mga residente ng Agusan del Sur, nagpasaklolo)

HUMINGI ng saklolo ang mga residente ng Agusan del Sur sa pamamagitan ng social media matapos ang matinding pagbaha sa lalawigan dulot ng bagyong Vicky.

Nag-trending ang hashtag #VickyPH ngayong araw para humingi ng tulong.

Una nang itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa Agusan Del Sur at 32 pang lugar.

Makikita sa inilabas na larawan ng Philippine Information Agency na halos abutin na ng baha ang mga bubong ng bahay sa bayan ng Rosario.



Sinuspinde naman ni San Francisco Mayor Solomon Rufila ang trabaho sa lahat ng government at private establishment ngayong Biyernes dahil sa sama ng panahon, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sinabi rin ng LGU na patuloy na nag-iikot ang rescue team para saklolohan ang mga residente.