November 20, 2024

BAGONG SCHOOL BUILDING NA PINONDOHAN NG PAGCOR, PINASINAYAAN SA TARLAC

MAS maginahawa ng makapag-aaral ngayon ang mga estudyante ng Pura, Tarlac matapos ang isinagawang inagurasyon ng modernong two-storey, six-classroom building na pinondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang bagong learning facility, na nagkakahalaga ng P18 milyon, ay pinasinayaan sa Nilasin 1st Elementary School, isa sa mga pampublikong paaralan sa Pura na labis na nangangailangan ng karagdagang classrooms matapos mapinsala ng malakas na lindol ang mga lumang gusali nito tatlong dekada na ang nakalilipas.

Niyanig ang bayan ng Pura ng malakas na lindol noong 1990 na lubos na ikinasira ng imprastraktura, kabilang ang mga government buildings, eskwelahan at kabahayan.

Marami nang beses na sinubukan na ayusin ang mga nasirang imprastraktura subalit karamihan sa mga ito ay hindi na ligtas.

Dahil dito, nagpasya si Mayor Freddie Domingo na humingi ng tulong sa PAGCOR na agad namang tinugunan at naglaan ng P17.87 milyon para sa pagpapatayo ng isang earthquake-resistant buildong sa Nilasin 1st Elementary School.

“We extend our heartfelt gratitude to PAGCOR for their invaluable support in funding the construction of a new classroom facility in Pura,” wika ni Mayor Domingo sa nasabing inagurasyon.

“This generous contribution not only enhances our educational infrastructure but also empowers the future of our students,” ayon sa alkalde. “PAGCOR’s commitment to education is truly making a lasting impact on our community. Thank you for investing in the growth and development of Pura.”


Dumalo sa nasabing inagurasyon si Mayor Domingo kasama ang PAGCOR officials sa pangunguna ni Assistant VP for Community Relatons and Services Eric Balcos, at iba pang local officials at mga miyembro ng komunidad.

Ayon kay Balcos, palaging nakahanda ang PAGCOR na suportahan ang mga proyektong may kinalaman sa edukasyon sapagkat malaki ang ginagampanan nitong tungkulin para i-promote ang pag-unlad ng komunidad at makamit ang mga pangarap ng susunod na henerasyon.

“By unveiling a new school building in Pura, PAGCOR takes pride in fostering positive change and providing a foundation for the dreams of countless students,” saad niya.

“Education is the cornerstone of progress, and through such initiatives, we are not just constructing buildings but providing bridges to a brighter, more empowered future for the community,” dagdag pa nito.