BILANG nahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng lungsod ng Navotas, muling binuksan sa publiko ng pamahalaang lungsod
ang mga bagong renovated na medical facilities.
Ipinakilala ng Navotas Medical and Wellness Center ang pinabuting klinikal na laboratoryo nito na maaaring magbigay sa mga Navoteño ng hanay ng mga diagnostic test, kabilang ang blood chemistry, urinalysis, lipid profile, at iba pa.
Maaaring ma-access ng mga Navoteño ang mga serbisyong ito nang libre kung sila ay naka-enroll sa PhilHealth’s Konsulta package at nakakuha ng referral mula sa isang health center na doktor pagkatapos ng konsultasyon.
Samantala, pinasinayaan ng Navotas City Hospital ang inayos nitong emergency room, na mayroon na ngayong 25 na kama, at mga silid para sa triage, infectious cases, at OB-GYN cases.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang dedikasyon ng lungsod sa pagpapabuti ng imprastraktura ng pangangalagang pangkalusugan.
“Investing in healthcare is investing in our people’s future. These renovated facilities exemplify our commitment to transforming Navotas into a healthier and safer community. We are dedicated to consistently improving our healthcare services to cater to the diverse needs of every Navoteño and ensure equitable access to high-quality medical care,” ani Mayor Tiangco.
“We are also committed to promoting healthcare excellence through continuous improvements and investments, such as the construction of the Super Health Center in Brgy. NBBS Kaunlaran and the expansion of the Navotas City Hospital to meet the qualifications of a Level 2 Department of Health-accredited facility,” dagdag ng alkalde.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE