KAISA ang lokal na pamahalaan, malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagkakatalaga kay Brig. Gen. Redrico Maranan bilang Acting Director ng Quezon City Police District.
Ayon sa alkalde, inaasahan niya na itutuloy, kundi man lalong pagbubutihin ni General Maranan ang magagandang nasimulan ni General Nick Torre katulad ng 3-minute response sa bawat natatanggap na tawag ng saklolo sa Helpline 122 ng lokal na pamahalan.
Ipinaalala rin ni Belmonte na dapat isaalang-alang sa lahat ng oras ng bagong pamunuan ng QCPD ang paggalang sa karapatang pantao, hustisya at pantay na pagtinging sa lahat ng QCitizens, anuman ang kanilang kasarian, rehiyon o katayuan sa buhay – mga bagay na marubdon na itinataguyod at ipinaglalaban ng lokal na pamahalaan.
“Malawak ang karanasan ni General Maranan sa Philippine National Police. Mahigit isang-daan na rin ang kaniyang natanggap na parangal mula nang siya ay maging pulis,” pagmamalaki ni Belmonte.
Nagsilbi si General Maranan bilang dating PIO, intelligence officer ng Cavite Police Provincial Office at dating provincial director ng Pangasinan.
“We are confident that Director Maranan will bring dedication, expertise, and commitment to community safety to this important institution. We look forward to working closely with him and the entire police force to ensure that the security and well-being of the people of Quezon City remain a top priority,” saad ng alkalde.
“We also hope that Maranan can also bring justice into the gun-toting incident that happened recently through a fair and unbiased investigation,” dagdag pa nito.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA