

Pinasinayaan nina Pangulong BongBong Marcos at First Lady Liza, ang Bagong Pilipinas National Food Fair sa Metro Manila ngayong Abril 9, kung saan tampok ang mahigit 250 negosyo ng pagkain at iba pang produkto mula sa iba’t ibang rehiyon.
Layunin ng food fair na bigyan ng mas malaking oportunidad ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na maipakilala at maibenta ang kanilang produkto sa mas malawak na merkado.
Binibigyang-diin din nito ang sustainability, inobasyon, at paggamit ng makabagong teknolohiya sa paggawa ng pagkain.
Inilunsad din ang isang mobile app para mapalawak pa ang exposure ng mga produkto ng MSMEs. (BG)
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’