CLARK FREEPORT— Nagpasa ng resolusyon kamakailan lang ang mga miyembro ng Metro Clark Advisory Council (MCAC) na nagpapahayag ng suporta sa ginawang apela ng Clark Development Corporation (CDC) na suspendehin ang implementasyon ng Comprensation and Position Classification System (CPCS) na inisyu ng Governance Commission ofr Government-Owned and Controlled Corporation (GCG) sa state-owned firm.
Nilagdaan noong Hunyo 28, 2022 ng mga miyembro at opisyal ng MCAC na kinabibilangan nina Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo, Angeles City Mayor Carmelo Lazatin, Jr., Porac Mayor Jaime Capil, Bamban, Tarlac Mayor Jose Antonio Feliciano at Capas, Tarlac Mayor Reynaldo Catacutan ang Manifesto Resolution No. 2, series of 2022, na mariing ineendorso ang apela ng pamunuan ng CDC sa Office of the President at GCG na ipagpaliban ang ipinataw na bagong pay scale system sa CDC.
Sa ilalim ng resolusyon, sinabi ng MCAC na ang CPCS ay nagdulot ng isang malakihang pagkaltas sa kompensasyon, benepisyo at demoralisasyon sa karamihan sa mga empleyado ng CDC.
Sa CPCS table na inisyu ng CDC, may 635 rank-and-file employees at supervisory workers ang mababawasan ang buwanang kita. Bukod dito, ang kanilan gmga benepisyo at allowance tulad ng health coverage, cost-of-living allowance (COLA), housing, utilities at transportation allowance, Meritorious Service Pay (MSP) batay sa haba ng serbisyo, at retirement package o separation pay ay matitigil.
Bilang karagdagan, binanggit din ng MCAC na dapat ding gawin na muling isaalang-alang at i-review ang nasabing CPCS.
“As government officials, we believe that any action of any government office that will cause massive diminution of pay of workers (be it in the public or private sector) is in violation of basic principles of the Constitution and other major laws and we feel sympathy for the workers and their families,” ayon sa MCAC sa kanilang resolusyon.
Samantala, nangagko ang management ng CDC na pinamumunuan ni President and CEO Manuel R. Gaerlan na gagawin ang lahat ng pagsisikap at legal na paraan upang malutas ang problema na kinakaharap ng mga manggagawa ng CDC.
“We will fight for your welfare, we will appeal sa GCG at kung kinakailangan ay sa Office of the President dahil yung naging basehan ay isang Executive Order,” saad ni Gaerlan sa CDC workers.
Inilabas ng GCG ang CPCS Authority to Implement (ATI) sa CDC noong Hunyo 22, 2022. Nag-request naman ang CDC management at CDC Board of Directors na suspendehin ang nasabing ATI at inapela sa GCG na bigyan ang CDC rank-and-file ng mas mataas na Job Grade equivalent.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY