
MAGTATAYO ng panibagong passenger terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng isasagawang rehabilitation project sa naturang paliparan ng San Miguel Corp. (SMC).
Ang magiging terminal ay itatayo sa abandonadong Philippine Village Hotel sa Nayong Pilipino Complex.
Target ng bagong passenger terminal na mas maging mabisa pa ang flight at passenger handling dahil nito.
Magkakaroon na rin ng multipurpose building bilang relocation site ng airport regulators na nasa mga terminal ng NAIA.
Umaasa ang SMC na sa pamamagitan nito ay luluwag na ang Terminal 1, 2 at 3 at mas magiging maayos na ang akomodasyon ng mga magiging pasahero.
Nais din ng SMC na masolusyonan ang problema sa vehicle congestion sa NAIA sa susunod na taon.
Ang NAIA public-private partnership project ay nagkakahalaga ng P170.6-B.
More Stories
“Sama-Sama, Lakas Marikina!” sigaw ni Tope Ilagan sa pagtakbo bilang Konsehal sa Unang Distrito ng Marikina City
LBC Mabini, Batangas nilooban: 5 parcel ng alahas na halos P420K, tinangay ng magnanakaw
Ian Sia Out sa Halalan: Diskwalipikado Dahil sa Birong Laban sa Single Moms