Binuksan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bagong monitoring station nito sa lalawigan ng Batanes, ang pinakahilagang island province ng Pilipinas na nakaharap sa Taiwan.
Isinagawa ang inagurasyon sa naturang monitoring station sa may bayan ng Itbayat na pinangunahan ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan.
Ang Itbayat ay halos 200 kilometro ang layo mula sa Cape Eluanbi, ang southernmost point ng self-ruled island na itinuturing ng China bilang probinsiya nito.
Ito rin ay malapit sa Bashi Channel, isang stratetgic waterway sa pagitan bayan ng Mavulis sa Batanes at Orchid Island sa Taiwan na mahalaga sa military operations.
Samantala, sinabi ni PCG spokesperson rear Admiral Armand Balilo na malilinang pa ang kapasidad ng PCG sa maritime domain awareness sa lugar lalo na sa search at rescue at monitoring ng mga mangingisdang Pilipino.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA