
Magkakaroon ang National Basketball Association (NBA) ng bagong logo sa susunod na season. Sasapit din ang liga sa ika-75 taong anibersaryo nito sa 2021-22 NBA season.
Gagamitn ang nasabing logo sa paggunita sa aniversaryo ng liga. Sa halip na rectangular shape ang gagamitin, diamond shape na muna.
Kung kaya, ang white silhouette ng icon na si Jerry West ay mapapaloob sa diamond shaped border.
Huling nagdaros ng major anniversary ang liga noong ika-50 taong ng pagkakatatag nito.
Bago magsimula ang regular season, pinangalanan noon ng NBA ang 50 greatest players nito noong 1996.
Sa ngayon, hindi pa kumpirmado kung magdadagdag ang liga ng 25 additional players para sa 75th year nito.
Itinatag ang liga noong June 6, 1946.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa