MAY bagong lugar na mapaglalaruan ang mga kabataang nagnanais umangat sa basketball at makapag-aral ng libre sa ilalargang National Youth Basketball League (NYBL) Inter-Cities and Provinces Championship sa Nobyembre ngayong taon.
Ayon kay NYBL founder Bhot Arimado mga kabataang may edad 19 pababa ang target ng liga na naglalayong higit pang palakasin ang pundasyon ng basketball sa grassroots level upang mas maraming kabataang Pinoy ang mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa mga respetadong eskwelahan at matupad ang pangarap na maging propesyunal na player sa bansa at sa abroad.
“Dati, PBA lang ang pangarap at target ng mga kabataan sa professional league. Ngayon may MPBL na, may NBL at may 3×3 leagues. Nadagdagan pa ang opportunity dahil nabuksan na rin sa mga Pinoy players ang iba’t ibang pro league hindi lamang sa Asya pati sa buong mundo. Mas marami mas makalubuhan sa ating mga kabataan,” pahayag ni Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City.
“Hindi lamang yung career nila sa basketball importante, siyempre pag na-expose natin ang mga batang ito, andayn ang posibilidad na makuha rin sila sa mga collegiate leagues para makapagpatuloy ng pag-aaral ng libre,” aniya.
Kinatigan ni dating PBA at MBA star player Oscar ‘Biboy’ Simon, coach ng Manila Team, ang tinuran ni Arimado at iginiit na malaking tulong sa mga kabataan, higit yaong mga nasa lalawigan na ma-expose sa sports at sa mga ligang dekalidad upang mas mahasa ang kanilang abilidad kasabay nang pagkakataon na maipagpatuloy ang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo.
“Actually, suwerte talaga ang mga kabataan ngayon. Hindi na limitado ang opportunity nila sa pro basketball career dahil maraming mapagpipilian at naghihintay sa kanila. Ako bilang dating player, yung training programa ko sa mga bata nakasentro sa character development at dicipline, ito kasi ang pinakaimportante. Mas ok sa akin ang average player pero disiplinado kesa sa star player na hindi marunong sumunod sa coach at opisyal,” sambit ni Simon, isa sa ipinapalagay na pure-shooter sa kanyang henerasyon sa pro league, sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.
Kasama rin ng NYBL officials na dumalos sa TOPS si Len Escollante, ang head coach ng Canoe-Kayak and TOPS Dragon Boat Federation at deputy Chief de Mission ng Philippine delegation sa 31st Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ayon kay Arimado, bukas ang torneo para sa lahat nang mga nagnanais na makilahok, ngunit sa kasalukuyan pitong koponan na ang kompirmadong sasabak sa liga na target simulan sa Nobyembre 15 tulad ng Cavite, Antipolo City ni coach Cindrey Balignasay, Makati City ni coach Emerick Sajota, Batangas ni coach Robert Kevin Wolfert at Gumaca, Quezon ni coach Mel Alas, nakababatang kapatid ni PBA mentor Louie Alas.
“We targeting eight teams for the inaugural season ng Inter-Cities and Provinces, but may mga team pa na nagpapadala sa amin ng intention, so most probabaly madadagdagan ang ating mga participanst. We’re still open, make sure lang sa mga team na mag-coordinate sila sa kani-kanilang Local Government Unit for additional support for the team at sa liga,” pahayag ni Arimado.
Puwedeng magpadala ng mensahe sa Facebook page ng liga NYBL group page o mag-text at tumawag kay coach Arimado sa tel, blg. 0977-3354186.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL