December 23, 2024

Bagong istasyon ng EDSA busway sa QC, binuksan

Pormal nang binuksan sa publiko ang bagong Philam-QC Station sa EDSA busway.

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Baustista kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority MMDA), ang pagpapasinaya sa Philam-QC station.

Ipinakita din ang mga bagong kabit na smart traffic surveillance sa kahabaan ng EDSA mula Monumento sa Caloocan City hanggang Roxas Boulevard, Pasay.

Inaasahang makakapagbigay ito ng karagdagang serbisyo sa mga commuter, seamless at ligtas na pagsakay at pagbaba ng mga pasahero na mula at pauwi ng QC.

Nagpapatuloy naman ang pagtatayo ng mga footbridges, loading/unloading bay, ramps para sa PWD, at bus timer, sa ibat-ibang istasyon ng busway.