January 23, 2025

BAGONG INFECTIOUS DISEASES UNIT NG GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL CENTER, BINUKSAN NA

BINUKSAN na ni Senador Lito Lapid sa publiko ang bagong gawang Infectious Diseases  Unit(IDU) ng Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Tondo, Maynila ngayong Biyernes, April 21, 2023.

Kahit holiday, nagtatrabaho si Sen. Lapid para sa kabutihan ng mga Pilipinong walang pambayad sa hospital.

Naglaan si Sen. Lapid ng P30M  sa DPWH para sa pagpapagawa ng Infectious Diseases Unit na matatagpuan sa ika-pitong palapag ng hospital. Abot sa higit 40 pasyente ang maaaring i-accommodate ng unit na fully airconditioned at libre pa.

Todo pasasalamat naman si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, mga doktor at nurses sa pagbibigay ng kahalagahan ni Sen. Lapid sa kalusugan ng mga ManileƱo at mula sa ibang probinsya.

Nangako si Sen. Lapid na patuloy na magbibigay ng tulong medikal at ayuda sa mga kababayan nating mahihirap na hindi kayang magpagamot sa mga pribadong ospital.

“Kung ano pa ang maibibigay kong tulong sa mga taga-Maynila at ibang probinsya, ipagbigay-alam lang sa aking opisina upang agad na aming aksyunan sa abot ng aking makakaya,” ayon kay Lapid.

Ang Gat Andres Bonifacio Medical Center ay itinatag noong April 30, 1998 sa pamamuno ni dating Manila Mayor Alfredo Lim, isa sa anim na  (6) charity hospitals sa Lungsod at may kapasidad na 100 kama.