November 17, 2024

BAGONG IMMIGRATION LAW, PRAYORIDAD NG GOBYERNO (Tansingco nagpasalamat)

Nagpasalamat si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) para sa pagkilala sa panukalang immigration modernization law bilang priority measure.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Tansingco sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) para sa suporta sa pagpasa ng bagong batas sa pamamagitan ng organizing a focus group discussion (FGD) na isinagawa nitong Abril 17 sa Maynila na dinaluhan ng mga representante ng hindi bababa sa limang senado, upang pagkasunduan ang bersyon nang mapabalis ang pag-apruba sa panukalang batas.

Umaasa rin siya na maaprubahan ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa kasabay ng State of the Nation Address ng Pangulo at nagpasalamat sa mga miyembero ng Kamara at Senado para sa pag-unawa sa kalagayan ng ahensya sa layunin nito para sa pagpasa ng bagong batas.

 “Imagine, our law has been there even before international flights were operating in the Philippines. Many of its provisions are already outdated, and not applicable to modern times,” dagdag niya.

Ang panukalang batas ay siyang magiging solusyon sa kasalukuyang problema ng BI, dahil sinsikap nito na i-upgrade ang 83-year old immigration law ng BI.

“In behalf of the employees of the BI, we also thank our legislators for ensuring that the use of income for the augmentation of the salaries of employees remain.This would greatly benefit our employees that are stuck with low salaries, and would also allow us to recruit fresh graduates to join the government,” saad ng BI chief. ARSENIO TAN