December 25, 2024

Bagong head coach ng Pelicans si Stan Van Gundy

WASHINGTON, United States (AFP) – Pumayag si TV analyst Stan Van Gundy na maging head coach muli ng isang team.

Si Van Gundy na ang bagong head coach ng New Orleans Pelicans. Pinalitan nito si Alvin Gentry na sinibak nitong nakaraang August.

Ang 61-anyos na si Stan ay 12 taong naging NBA coach kagaya ng kapatid nitong si Jeff. Nang tumigil sila sa pagiging coach, naging TV commentator sila sa NBA games.

 “I’m excited to join a talented New Orleans Pelicans team,”  tweeted ni Van Gundy.

It will be an honor to work with our players… I can’t wait to talk to our players and get the process started.”

Naging coach ng Miami Heat si Van Gundy noong 2003 hanggang December 2005. Noong 2007, naging coach naman siya ng Orlando Magic. Pumalaot sa 2009 NBA finals ang Magic kontra Lakers.  

Noong 2014, naging coach naman siya ng Detroit Pistons. Ngunit, hindi nakarating sa playoffs ang Pistons sa loob ng 3-of-his 4 seasons. Dahil dito, sinibak siya noong May 2018.

Markado si Van Gundy sa tough defensive work. Mayroon siyang 523-384 record bilang head coach.