January 23, 2025

Bagong coach ng Gilas Pilipinas si ‘Jong’ Uichico

Kinuha bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas si “Jong” Uichico. Kung kaya, siya na ang magtitimon sa national team sa sa (FIBA) Asia Cup qualifiers. Isaraos ang torneo sa Nobyembre 27 – 30 sa loob ng isang bubble sa Manama, Bahrain.

Pormal na inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa isang online news conference ang pagkakatalaga kay Uichico bilang coach.

The national team director is Tab Baldwin and the head coach is Jong Uichico,” ani SBP President Al Panlilio.

Kung matatandaan, huling nagtimon sa national team si Uichico, 58-anyos, noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.

Pero, naging kontrobersiyal iyon dahil sa nasangkot ang Gilas sa riot. Nagkagulo sa pagitan ng Australia at ng Pilipinas sa FIBA qualifier.

Ang Gilas ay kasama sa Bracket A, kung saan kabilang din ang South Korea, Indonesia atThailand.

Samantala, sinabi rin ni Panlilio na makakatuwang ni Uichico sinaSan Beda Red Lions head coach Boyet Fernandez. Gayundin si TNT Tropang Giga Assistant Coach Alton Lister bilang mga deputies ni Uichico.

We might lack experience. Yes, we might lack some size, but the energy that they will give us will be a positive advantage that we can use in our games.”

“They will give us the energy that we need,” ani Uichico, na naging coach ng national team 2002 Busan Asian Games.

Ang 16-player pool naman ng Gilas ay nina Kobe Paras, ang kambal na sina Mike at Matt Nieto, Angelo Kouame, Isaac Go, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liaño, Calvin Oftana, Will Navarro, Dwight Ramos, Kenmark Carino, Jaydee Tungcab, Rey Suerte at Allyn Bulanadi.